ngayon ang unang araw ng pasko. naisip ko bisitahin ang mga pictures ng mga kaibigan ko. from baguio, to bohol, palawan at davao, grabeh ang dami na naming napuntahan. sayang hindi ako nakasama sa bora. iba kasi ung bora para sa kin. haha hindi pang-tropa :p nagpunta nga rin sila ng ilocos at cdo ata pero andito na ako sa SG nun...
baguio, unang gimik. mainit na samahan sa malamig na lugar = FUN.
baguio, nagpuntang PMA, nalibre ng siomai :D, nagpitas ng strawberries, namili ng gulay, nanood ng flower festival, nagutom. napagalitan kasi naglaro ng basketball, sa gitna ng gabi.
baguio, walang kamatayang pictures. nagkunwaring mga modelo sa park. isang grupo. isang picture.
bohol, hindi kame naglunch sa manila kasi gusto namin sa bohol na kame kumain. hindi ko matandaan kung nadelay ung flight namin. pero ang tanda ko sobrang nadelay ung lunch. mamamatay na kame sa gutom.
bohol, ang ganda ng beach. nag-inuman, naglaro ng billiards, nagchikahan. mahirap tumira sa billiards pag nakainom ka. mapapaupo ka pa niyan sa mesa.
bohol, walang kamatayang pictures. sandali lang, ikaw, halatang nakainom ka. hangover? hindi lasing ka pa. ikaw naman, nakalimutan mo kung nagbayad tayo? bangag.
palawan, mula underground river dumiretsong el nido. dalawang gabing natulog sa van. ako natulog. kayo? ewan ko, haha, tulog ako eh. ang ganda ng el nido.
palawan, nang asa van, nag-wiwi si manong, umandar bigla yung van, pababa ata to. naalala ko yung sigaw ni ann, dar! yung break yung break! nagising ako, nakatigil na kame. tulog ulet.
palawan, walang kamatayang pictures. mapasunset. mapasunrise. 10 shots. 10 shots. hindi ako kasama sa 10 shots!!! nakita niyo ba yung reaction niyo nung hinawakan niyo yung crocs? priceless.
davao, ang ganda ng pearl farm. ang sarap ng food. turon na may saging? normal. dagdagan mo ng ube, espesyal. kunin mo ng hindi luto, ikaw siguro si wee. asa davao pero sa ibaba ng tinuluyan namin, french, spanish, european resto. asan kame?
davao, kasal ni gaygay. bisperas ng kasal, nagpafoot spa, nagpamasahe. araw ng kasal, nagpa blowdry. dress up dress up. tayo na't magbestida. here comes the bride. pagdating ng games, tara tago tayo sa CR.
davao, walang kamatayang pictures. ang daming tinagong pictures. bakit? kasi nagpaka-daring ang mga lola mo.
isang gabi. 4 na lugar. samahan. pagkakaibigan.
kung may oras ako... idadagdag ko ang mga litrato. pero sa ngayon gusto ko lang sabihin namimiss ko kayo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Baguio.. ang simula ng lahat.. yung ating model pose pic.. unforgettable..
Post a Comment