ang dami dami dami daming work ngayon. kung kelan naka-set na yung schedule ng tasks mo... saka may darating na bago at urgent. at dahil minsan eh adik ka sa work, masaya ka. minsan kasi mas enjoy gawin ung mga bigla na lang dumarating kesa sa mga naka-schedule. may rush. kumbaga sa driving, need for speed. yun nga lang mula paggising hanggang biyahe papasok, ang laman ng utak mo ay tables, fields, queries, index, sps, specs, deadline, deadline, dealine. siyempre pag-uwi hindi mo na yun iisipin kasi pagod na utak mo. kailangan ng pahinga dahil alam mong pagdating ng bahay, gusto mo pa ring magtrabaho. adik nga eh.
pero kung may nakapila palang movies... hehe saka na lang ang trabaho :p
kasi ang mga scheduled pasaway. tulad na lang nito. nung sunday night may tinapos akong layout ng report namin gamit ung bagong tool para pagdating ng monday, testing na lang talaga. at kanina ay naisip ko na siyang tapusin... ang KASO mo pinalitan ko lang ung weight ng borders from 1/2 pt to 1pt nasira na lahat ung format! tokwa naman!!! so yun inulit ko lahat ng ginawa ko kagabi :( nakakainis. walang kwenta. tapos may kulang pa pala.. isang empty row. eh di dagdagan. tokwa naman naman!!! nasira na naman ung format :( word document na editor. black and white. tapos ang hirap hirap pantayin ung lines. mano-manong formatting. grabeh sakit sa mata. parusa. ubos oras. bakit ba naman kasi ang mahal ng maintenance ng actuate.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment