"i love you. you are in my heart. with you, i always try to be at my best. we've come so far and this i think is because i treat you as a part of me that i need to take good care of."
this is how i feel about my job, my work, my love, my love, my love, my humps, my humps, my humps.. ooops over na. seriously, para sa work ko to and yes, i'm passionate when it comes to my work. and sometimes, too much for my own good. blah blah blah. maraming nangyayari ngayon sa team ko, sa work ko na hindi ko alam. at nalalaman ko lang kapag tapos na ang usapan nila. at nagkakataong andami kong concern, lagi. hindi dahil gusto kong makipagtalo o ipilit ang gusto ko. marunong ako tumanggap ng pagkatalo. gusto ko lang malinaw sa atin lahat ng anggulo. brainstorming. wala sa bukabularyo niyo yan. i know.
i only want the best for you. but lately i have not been given the chance to contribute. they've shut me out. they want me to make sure that nothing bad happens to you. they want me to make sure that your problem isn't left unfixed. i enjoy doing that. i was trained to do that. and more...
pero dahil nga ayaw akong bigyan ng pagkakataon, "more" is just blah blah blah. sayang. sayang na sayang lang. ang pag-ibig ko. laan pa naman ang puso ko sa'yo. sa mga hindi nakakaalam, kanta yan ni manilyn reynes kay janno. hehe love team kasi sila dati. eniweys rachel weisz, ayun nakakalungkot lang. alam ko sa sarili ko na madami pa akong magagawa. maibabahagi. pero hanggang doon na lang. narinig niyo yung boses ko pero di niyo ako pinakinggan. nagandahan lang kayo. joke! hehe
***
kanina sa meeting namin nakakatuwa kasi may plano na naman kayo sa mga applications natin. at dahil ako ang dakilang support, well, karapatan niyo na wag ipaalam sa akin. kaboom. matatanda na kayo. alam niyo na ang tama at mali. sige lang. sabi ko nga basta para sa ikabubuti ng applications natin, gokada go! (gokada go, show sa kapamilya na ang dating title ay Let's Go, pero ngayon kasama na si bokbok at poknat) eto na ang plano:
ikoconvert daw namin ang XM-29 SABR OICW para maging M-1 Garand. sabi ko, bakit hindi na lang natin iconvert ang XM-29 SABR OICW para maging AK-47, kasi ang AK-47 mas madali siya i-maintain. sabi nila, para naman magamit natin ang M-1 Garand, wag tayong magfocus sa isang tool lang (madami kasi sa amin gamit AK-47 eh). sabi ko, ah okay. actuallly madami pa akong sinabi pero blah blah blah.
bilis ng panahon. Mayo na. Ilang araw na lang Hunyo na. Parang kailan lang may SCR ako, this year lang din kung saan ikinonvert ko ang isang M-1 Garand para maging AK-47 kasi mas madali siya i-maintain.
sabi nila, habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, di matatapos itong gulo. pero nalilito ako. kasi sa amin, bilog eh. paikot-ikot lang. nagbobolahan. naglolokohan. para kameng ginagawang bola na inaapakan sa circus ng mga hmm.. creatures? hehe para umikot.
sabi nila, ang lungkot ay may kapalit na saya. napromote nga pala ako. wooohooo!!!!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
mayroon akong nalaman sa iyo: paboriting labteam mo si mane at janno noh? aminin :)
congrats nga pala, kaibigan
~FG~
Congrats!!! Yaman mo na siguro!?
Post a Comment