Monday, November 06, 2006

damaged

nalulungkot ako. gusto ko yung trabaho ko. masaya ako sa ginagawa ko. pero masamang masama ang loob ko sa boss ko. may sinabi siya sa akin.

binigyan kita ng pagkakataon upang ipaliwanag kung bakit mo nasabi yun. strike out. wala kang napaliwanag na maayos. masyadong personal ang iyong mga dahilan at sinasabi mo na naaapektuhan ang work ko, ang team. sa anong paraan, tanong ko.

sa susunod sana kaya mong i-defend kung ano yung mga sinasabi mo. hindi yung basta ka na lang susugod sa akin. i have nothing against you. at tama ka hindi porke't boss kita kailangan kita magustuhan. pero katrabaho kita. as much as possible ayoko na may sama ng loob sa mga katrabaho ko. kung ikaw walang pakialam, ako meron. kahit gaano ko kagusto ang ginagawa ko. kahit gaano ako kasaya sa trabaho ko. sa pinakita mo sa akin, nagdadalawang isip na ako kung mananatili pa ako dito.

for the first few days after our encounter, nawalan ako ng gana. ngayon, i'm out to prove na mali ka sa mga tinuran mo. pero sa totoo lang... the damage has been done.

No comments: