Sunday, October 08, 2006

home based

ayokong mag-stay lang sa bahay buong araw kasama ang tv at pc.

feeling ko ang boring maglaro sa pc kasi walang interaction sa tao. ngayon nauso ung mga games na pwede ka makipag-usap sa mga kalaro mo. indi ko pa rin sya gusto kc imbes na andun ka sa labas at nakikihalubilo sa mga "totoong" (physically present/visible) tao, heto ka nakaupo sa harap ng computer mo. para sa kin indi sya healthy.

kahapon buong araw akong nasa bahay. nung umaga nakipaglaro ako sa kaibigan ko ng online sudoku. pagkatapos nanood ako ng greys hanggang gabi. kumain. naligo. at muling naglaro ng sudoku.

ngayon dapat pupunta ako sa bahay ng bestfriend ko sa imus, cavite pero tinamad ako. dapat maglalaro ako ulet ng sudoku eh kaso nagtotopak tong DSL. kaya eto ako nagba-blog.

binago ng teknolohiya?! binago ng panahon?!

nagpabago. nagpaapekto. nagpatangay.

siguro. pero malay mo tinatamad lang talaga ako. wala lang akong pera kaya ako hindi umalis. haha nagdadahilan lang ako.

kanina pala nilabhan ko yung 2 years old kong rubber shoes. binili ko yun gamit yung sweldo ko sa kompanyang kung saan ako nagwowork ngaun. nag-uumpisa pa lang ako nun. matagal na ba talaga yun? or mabilis lang talga lumipas ang panahon?

No comments: